Karapat-dapat bang gamitin ang mga hayop sa Pabula? Sa palagay ko karapat-dapat gamitin ang mga hayop sa Pabula, dahil unang-una, sila ay nagbibigay ng mga magagandang aral kahit mga hayop lamang sila. Pangalawa, nagbibigay sila ng katangian na nagpapakita kung sino sila na puwede natin ilarawan. Ilan sa mga halimbawa, ay ang Pabula na “ Si Pilandok sa kaharian ng dagat”, pinapakita ang kaugalian at katangian ni Pilandok na siya ay manloloko. Isa rin dito ang Pabula na "Ang Leon at Daga", pinapakita rin dito ang kaugalian at katangian ni Daga na siya ay matulungin at mapagkakatiwalaan sa Leon. Possible rin na sila ay nagbibigay ng kasayhan sa mga batang nagbabasa ng mga Pabula.
Kahit na imposible na ang mga hayop ay nakakapag salita, maari rin silang magbigay ng saya sa mambabasa lalo na sa mga bata at nakakapagdagdag ito ng kaalaman sa mga ibang hayop na hindi pa nila alam. Puwede rin ito, dahil mas magiging makulay ang pabula para sa mga mambabasa nito. may posibilidad na mas magiging interestado ang mga magbabasa nito dahil sa nakakaibang karakter na ginamit bilang tauhan sa pabula. Karapat-dapat itong gamitin dahil baka ito ay magbibigay ng mahalagang aral sa mga mambabasa.