Tuesday, July 23, 2019

Karapat-dapat sila!


Animal cartoon group Stock Vector - 13497135Ang mga Pabula ay tungkol sa mga hayop at mga hayop ang tauhan at kadalasang umiikot sa kung gaano kahusay ang isang hayop at kung gaano naman kadaling maloko ang isa pa. Maaari maging kontra-bida o bida ang isang hayop. Puwede rin sila gumawa ng mga bagay-bagay na ginagawa rin ng mga tao. Sila ay nagbibigay ng magandang aral sa atin na puwede magabago sa atin. Ilan sa mga halimbawa ng Pabula ay “Ang pagong at ang matsing” na nagbibigay ng aral na dapat tayo ay magpakabait sa mga taong ‘di natin kilala at kilala. Isa rin dito ay “Ang unggoy at buwaya” na ang mga tauhan dito sa kuwento ay ang unggoy at buwaya.


Image result for si pilandok sa kaharian ng dagat

Karapat-dapat bang gamitin ang mga hayop sa Pabula? Sa palagay ko karapat-dapat gamitin ang mga hayop sa Pabula, dahil unang-una, sila ay nagbibigay ng mga magagandang aral kahit mga hayop lamang sila. Pangalawa, nagbibigay sila ng katangian na nagpapakita kung sino sila na puwede natin ilarawan. Ilan sa mga halimbawa, ay ang Pabula na “ Si Pilandok sa kaharian ng dagat”, pinapakita ang kaugalian at katangian ni Pilandok na siya ay manloloko. Isa rin dito ang Pabula na "Ang Leon at Daga", pinapakita rin dito ang kaugalian at katangian ni Daga na siya ay matulungin at mapagkakatiwalaan sa Leon.  Possible rin na sila ay nagbibigay ng kasayhan sa mga batang nagbabasa ng mga Pabula.


Image result for bookKahit na imposible na ang mga hayop ay nakakapag salita, maari rin silang magbigay ng saya sa mambabasa lalo na sa mga bata at nakakapagdagdag ito ng kaalaman sa mga ibang hayop na hindi pa nila alam. Puwede rin ito, dahil mas magiging makulay ang pabula para sa mga mambabasa nito. may posibilidad na mas magiging interestado ang mga magbabasa nito dahil sa nakakaibang karakter na ginamit bilang tauhan sa pabula. Karapat-dapat itong gamitin dahil baka ito ay magbibigay ng mahalagang aral sa mga mambabasa.


Sa palagay ko, ang mga hayop naman talaga ang ginagamit na tauhan sa pabula. Puwede rin ito dahil baka ang mga mambabasa ay maaaring mas maging interestado na mag basa ng mga pabula. may posibilidad na ang mga mambabasa ay may matutunan na moral na aral sa pagbabasa nito. Sa palagay ko, ito ang mga dahilan kung bakit nating kailangan gumamit ng mga hayop bilang tauhan sa mga pabula. At yung ang aming opinyon sa Pabula.

Image result for cartoon dogImage result for cartoon monkey

Image result for cartoon lionImage result for cartoon turtleImage result for cartoon mouse deer

No comments:

Post a Comment